Thursday , June 4 2026

Panadero 3 pa muntik matusta (LPG sumabog)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang panadero habang patuloy na ginagamot ang tatlong  kasamahan dahil sa pagsabog ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa pinapasukang panaderya kahapon  ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang  mga biktimang ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital na si  Ayin Ensoroliso,  na halos lapnos ang  harap ng katawan, at kasamahan niyang sina Rodolfo Villamor; Estelita at Erwin Libod, sanhi ng second degree burns.

Sa ulat ni SFO4 Alexander Maequez, fire investigator ng Caloocan BFP, dakong 1:30 ng madaling araw nang masunog ang Park ‘n Go Bakery nasa Samson Road at Lapu-Lapu St., ng nasabing lungsod.

Nabatid na naghahanda ang mga biktima para sa pagluluto ng tinapay at sisindihan na ang pugon nang biglang sumabog ang LPG tank na nakakabit dito.

Nauna rito, nakaamoy ang mga biktima ng sumingaw na LPG hanggang sumabog at sumingaw sa chimney ng bakery.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …