PATAY ang isang menor de edad nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakikipagkuwentohan sa kanyang mga kaibigan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.
Kinilala ni SPO3 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide ang biktimang si Shown Michael Basas, 15, estud-yante ng Raja Soliman Technological High School at residente ng 1325 Gate 7, Area A, Tondo, habang nakatakas ang mga hindi na-kilalang suspek.
Ayon sa kapatid ng biktimang si Miguel, 19, nakikipagkuwentohan ang kanyang kapatid kina Melvin Francisco at Raffy Lubaton sa loob ng naka-park na motor sa harap ng Gate 5, Area D, Parola Compound nang duma-ting ang mga suspek dakong 4:10 ng umaga at agad pinaulanan ng bala ang grupo hanggang tamaan sa ulo si Shown Michael na agad niyang ikinamatay.
(leonard basilio)