Thursday , June 4 2026

Pinoys ipinagdasal ni Pope Francis

NANALANGIN ng biyaya para sa mga Filipino lalo na yaong mga nakaligtas sa bagyong Yolanda si Pope Francis, sa kanyang Urbi et Orbi Message for Christmas 2013.

Sa naturang  Christmas message, tinawag ng Sto. Papa ang mga Filipino bilang ”beloved people of the Philippines.”

“Lord of heaven and earth, look upon our pla-net, frequently exploited by human greed and rapacity. Help and protect all the victims of natural disasters, especially the beloved people of the Philippines, gravely affected by the recent typhoon,”  sabi sa bahagi ng mensahe ng Santo Papa, mula sa loggia ng St. Peter’s Square, Va-tican.

Hiniling din ng Santo Papa sa lahat na bigyang papuri ang Panginoon dahil sa kabutihan nito.

“Give glory to God, for he is good, he is faithful, he is merciful,” mensahe pa ng Santo Papa.

Nagpahayag din ang Supreme Pontiff ng pag-asa na matutunghayan ng lahat ang tunay na mukha ng Panginoon, na nagbi-gay sa atin kay Hesus at mararamdaman ng bawat isa ang pagiging malapit sa atin ng Panginoon.

Nanawagan din ng tunay na kapayapaan sa buong mundo, partikular sa Syria, Nigeria, Iraq, Central African Republic, Israel at Congo.

“Dear brothers and sisters, today, in this world, in this humanity, is born the Saviour, who is Christ the Lord. Let us pause before the Child of Bethlehem. Let us allow our hearts to be touched, let us allow ourselves to be warmed by the tenderness of God; we need his caress. God is full of love: to him be praise and glory forever! God is peace: let us ask him to help us to be peacemakers each day, in our life, in our families, in our cities and nations, in the whole world. Let us allow ourselves to be moved by God’s goodness,” huling bahagi ng mensahe ng Santo Papa.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …