PATAY ang isang security guard matapos tagain sa ulo ng hindi nakilalang suspek, habang naka-duty sa trabaho sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.
Dead on arrival sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Eduardo Baril, 50, ng Blk 12, Lot 62, Phase 1B, Rodriguez, Rizal.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:35 ng gabi nang makita ang bangkay ni Baril, sa driveway ng Halina hotel, nasa 4483 Old Sta. Mesa.
Ayon sa testigo na kinilala sa alyas na Darwin, nakita niyang nakaupo ang biktima sa mono-block, may tumutulong dugo mula sa ulo, kaya agad niyang ipinaalam sa kanilang supervisor at isinugod sa ospital.
Blanko pa ang awtoridad sa motibo ng pamamaslang.
(leonard basilio)