Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madam Chairman ni Sharon, walang dating

BAKIT ba parang wala man lang kaingay-ingay ang Madam Chairman  ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5?

Nakasanayan  kasi ng kanyang mga tagahanga, noong nasa ABS CBN si Mega, laging laman ng balita ang programa n’ya.

Sayang, si Sharon sana ang first choice sa Call Center na movie ng Star Cinema, kaso bigla s’yang napunta sa TV5. Ayun si Pokwang na ang nagbida.

Bubble Gang, na-MTRCB din

SAYANG naman, ngayon pa napansin ng MTRCB ang mga bastos na eksena sa Bubble Gang ngGMA7! Kung bakit naman kasi, puto bumbong lang ang eksena, kailangan pang palundagin nang todo si Rufa Mae Quinto.

Nagkaroon tuloy ng malisya sa eksena habang pilit itinataktak ang tubo ng puto bumbong.

Nabitin tuloy ang exhibition nina Bentong at Diego bilang palit kay Ogie Alcasid. Nanghinayang nga si Michael V., todo hirit na sila sa GMA popular TV show.

Teka sino ba naman ang may ideang pilit palabasin ang puto bumbong sa gayung paraan? Ayan nabastusan tuloy ‘yung mga nanonood. Dapat tandaan, may mga batang nanonood sa inyo.

Pananaw sa buhay ni Justin, binago raw ng Pinoy!

SABI raw ni Justin Beiber, ‘Philippines, you change my life!’

Nasabi n’ya ito noong bumisita siya sa Tacloban victims. Marami sigurong kamaliang nagawa ang bagets kaya noong makita ang mga nakaaawang biktima, nagbago ang pananaw niya sa buhay.

Sumakay si Justin sa aircraft ng TV host Willie Revillame. For rent kasi ito at ginamit papuntang Tacloban.

Nakapaglaro pa ng basketball si Justin at kumanta ng limang Christmas song. Kahit paano, natanggal ang kalungkutan at paghihirap ng mga taga-Tacloban.

Sana, ‘yung mga nagpapapanggap na sikat at mayayamang celebrity dyan, ganito rin ang gawin, tumulong. Dumalaw din doon sina Jessica Sanchez, Alicia Keys, at Apl de Ap..

Barbara, ipinag-luluto ang mga batang namamasko

KUWENTO ni Barbara Milano tuwing Pasko, ipinagluluto niya ng spaghetti ang mga batang namamasko sa kanyang bahay sa Talavera. Ang problema, kapag naiabot na n’ya ang sobreng regalo, agad nagpapaalam ang mga ito dahil marami pang pupuntahan.

Nakakaloka raw, pero masaya siya, Christmas is giving daw.

KC, madalas masabit sa binatang may anak

BAKIT naman kaya palaging sa binatang may anak nasasabit ang pangalan ni KC Concepcion?

Wala bang single? Teka puwede siguro si Luis Manzano. Single kasi ang anak ni Gov. Vilma Santos at tiyak payag naman si Megastar Sharon Cuneta.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …