Thursday , June 4 2026

Bahay sa Times sinugod ng militante (Pulis, raliyista, naggirian)

TINATAYANG  200 raliyista mula Timog Katagalugan ang sumugod at nagsagawa ng programa sa harapan ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle Homes, Quezon City.

Naging maaksyon ang pagdating ng mga militanteng sakay ng trak dahil napaatras ng grupo ang hanay ng mga pulis mula Station 2 matapos ang girian.

Itinumba rin ng grupo ang isang police outpost.

Giit ng mga demonstrador, wala silang ibang balak kundi magsagawa ng programa sa harap ng bahay ng mga Aquino bilang pag-obserba sa International Human Rights Day.

Bitbit nila ang effigy ni PNoy na tinawag na “Wrecking King,” mistulang tuta ni Uncle Sam. May isa pang malaking effigy ang Pangulo na “PNoy the Destroyer,” may mga kanyon.

Binantayan ng mga pulis ang mga militante habang nagsasagawa ng programa.

Nagtuloy  sa Blumentritt ang grupo bago nagpu  nta sa Mendiola para ituloy ang kilos-protesta.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng KARAPATAN, nakapagtala ang kanilang grupo ng 152 extra-judicial killings, 168 frustrated killings, 18 forced disappearances at 358 illegal arrest at detentions sa ilalim ng PNoy administration.

Sinisi ng grupo ang Oplan Bayanihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinasabing nangunguna sa paglabag sa karapatang pantao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …