RATED R
ni Rommel Gonzales
STREAMING na sa Disyembre 1, mapapanood sa VMX ang isang special feature na kinikilala ang Morena stars na tampok sa compilation ang kanilang mga hindi malilimutang pagganap, mga karakter na tumatak, at mga eksenang nagbigay ng bagong kahulugan sa matapang na pagkukuwento ng pelikulang Filipino.
Kasama si Sahara Bernales, muling mapapanood ang ilan sa mga pinaka-tumatak na pagganap. Kabilang ang pitong Morena stars: sina Christine Bermas, Sahara Bernales, Astrid Lee, Margaret Diaz, Angela Morena, Ashley Lopez, at Shalanie De Vera.
Si Christine ang magbubukas ng special sa pelikulang Victoria’s Silver.
Kasunod naman ang pagganap ni Sahara sa provocative drama film na Monay.
Hatid naman ni Astrid ang good vibes at init sa Breast Friends Forever.
Bibida si Margaret sa Hibla 2, ang sequel ng sexy drama classic na Hibla.
Mas paiinitin ni Angela ang special sa kanyang pagganap sa pelikulang Palitan 2.
Kasama rin sa lineup si Ashley, na susubok sa pag-ibig at pagnanasa sa Sugar Mommy.
Si Shalanie naman ay bida sa sensual psychological drama na Latina.
Pitong morena stars, puno ng confidence at alindog. Abangan ang special feature na ito, directed by Ray Gibraltar at hosted ng VMX star na si Sahara.
Painitin ang gabi at i-level up ang inyong streaming experience sa paborito ninyong platform. I-stream ang Morena simula Disyembre 1, 2026!
Para manood, mag-subscribe sa VMX sa web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store, o Huawei App Gallery.
