ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang sexy actress na si Jenn Rosa na hindi siya halos makapaniwala na magiging bahagi siya ng top rating TV series na “Sigabo” na tinatampukan nina Coco Martin at Julia Montes.
Sa panayam namin kay Jenn, nabanggit ng napaka-seksing dalaga at hot na hot na VMX star ang kanyang labis na kagalakan sa magandang pagkakataon na dumating sa kanya.
Kuwento sa amin ni Jenn, “Two days pa lang po akong nakakapag-taping sa Sigabo, and yung feeling ko, sobrang happy and grateful po talaga ako. And, hindi po ako makapaniwala na nakapag-mainstream ako at sa seryeng Sigabo pa ng ABS CBN.
“Siyempre kasi hindi ba, bilang VMX star, isa iyan talaga sa goal namin? Iyong makatawid sa mainstream at makapag-work sa mga veteran actor, iyong mga mas matatagal na talagang actors at saka yung mga magandang istorya talaga.”
Pagpapatuloy pa niya, “Noong nag-shooting po ako sa Sigabo, grabe! Sobrang parang hindi pa rin po ako makapaniwala, parang hindi pa nagsi-sink-in sa akin ang lahat, noong first day, e. Kasi first day ko pa lang, parang hindi pa ako makapaniwala talaga.
“Pero noong naka-second day na ako ng shoot, medyo naging okay-okay na siya, medyo nakakapaniwala na iyong mga bagay-bagay,” pahayag pa niya.
Si Jenn ay nagmarka nang husto sa mga sexy movies na tinampukan niya sa VMX app. Maraming barako ang pantasya siya sa mga hindi malilimutang pampaint na movies. Kaya ramdam talaga ang kasiyahan ng aktres sa bagong project niyang ito.
Ano ang role niya rito?
Tugon ni Jenn, “Ang role ko sa Sigabo, sir Nonie, isa akong karelasyon ng leader ng Skullz gang, si Uncle Dags. Pero mayroon talaga siyang, alam mo iyon? Isang dyowa talaga na legit, kaso nga lang, ako iyong parang side chick niya.
“Kasi, alam mo naman, siyempre kapag mga gang-gang, ano iyan e, hindi naman nakukuntento sa isa lang iyan, eme-eme, hindi ba?
“So, ako iyong second chick niya, at yung first chick niya ay si Maika Rivera na si Shanty naman ang name rito. Ang name ko naman rito, ako si Roxy, so iyon po,” nakangiting wika pa niya.
Sinabi rin ng aktres na nakakabilib ang pagiging super-humble ng isang big star na tulad ni Coco.
Aniya, “Noong nasa set na po ako, nang nag-shooting na, hindi ako makapaniwala kung gaano ka-humble ni Coco Martin talaga, grabe!
“Sa lahat ng mga artistang nakilala ko na malalaki talaga, actually lahat naman ng mga veterans na nakilala ko, mababait naman talaga. Pero hindi ko lang in-expect na si Coco ay sobrang humble.
“Na para bang hindi mo mararamdaman na may ere siya, hindi mo mararamdaman na… para bang ang tagal na niyang artista, na puwede niya kaming gawing parang bata-bata lang… Pero hindi e, kasi grabe niya kaming i-guide at alagaan sa set. Hindi lang naman kami, pati iyong mga staff niya…
“So, talagang masasabi ko, makikita mo na deserve talaga ni Coco ang lahat ng blessings na tinatamas niya ngayon. Kasi sobrang humble niya at sobrang maalaga siya sa mga tao niya.
“Na kahit kami na bago lang niyang nakilala, talagang gina-guide niya kami sa pag-acting, ganoon po siyang mag-alaga.”
