JMartin Resrospect

MATABIL
ni John Fontanilla

SOLD-OUT at napuno ang venue ng pinagdausan ng concert ni JMRTN, ang The Retrospect Show with JMRTN Live! na ginanap sa Pier Juan Quezon City, kamakailan.

Ang nasabing konsiyerto ay para sa pagdiriwang ng nalalapit na kaarawan at ikaanim na taon ni JMRTN.

Ang kinita ng nasabing concert ay ibibigay ni JMRTN sa mga mangingisda at mga pamilya ng mga ito sa West Philippine Sea. 

Ilan nga sa naging espesyal na panauhin ni JMRTN sa kanyang concert sina Nyoy Volante, Nonoy Zuniga, Jojo Abellana, Sharmaine Arnaiz, Chuckie Dreyfus, Radha Cuadrado, Teejay, at Ogie ng REtroSPECT, Ari Él, Sephy Francisco, at Ms. Lani Misalucha.

Kasama rin sa concert ang Alpha Colours na kinabibilangan nina Jovy, Malou, Ganzon, Erwin, Bong William, Angel, at Andrea at ang nag-iisang si Ms Lyn Tamayo na wala pa ring kupas pagdating sa sayawan at hatawan sa dance floor, ang Retrospect Band.