Bernadette idolo sina Kathryn at Sarah G.

Bernadette Di Aatras sa Pangarap

MATABIL
ni John Fontanilla

HINAHANGAAN ng 10 years old recording artist na si Bernadette ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Sa ginanap na launching nito ng kanyang single entitled Di Aatras sa Pangarap na ginanap sa Viva Cafe ay ipinahayag ni Bernadette ang kanyang paghanga kay Sarah.”

Aniya, “Paborito ko po si Sarah Geronimo, mahusay siyang singer at performer.

“Sana dumating po ‘yung time na maka-collab ko siya at makasama sa isang concert.”

Bukod sa napakahusay kumanta ni Bernadette ay napakaganda pa nitong bata at puwedeng-puwede ring mag-artista.

Ang Kapamilya aktres na si Kathryn Bernardo ay iniidolo rin nito.

“Gusto ko rin po mag artista, ang idolo ko po ay si Kathryn ( Bernardo ), napakahusay niya po kasing umarte.

Pinasalamatan din ni Bernadette ang kanyang very supportive parents at ang kanyang coach na si Jenny na laging nandyan para sa kanyang singing career.

Naging special guest ni Bernadette sa launching ng kanyang single sina Emman Franc, Div9, Kittrix, Sweet Label, Gemarson, Alyanna m, at Mica. Hatid ng Emmanventures 

Television Production in cooperation ng Asterisk Entertainment.