Aiko Garcia nainlab sa kanyang direktor

Christian Paolo Lat Aiko Garcia VMX Alindog ni Aiko

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUWAPO, bata, at lalaking-lalaki ang direktor ng Alindog Ni Aiko na si direk Christian Paolo Lat.

Kaya natanong mismo si Aiko Garcia kung may chance ba na ma-attract siya sa kanyang direktor?

“Oo nakaka-in love naman talaga,” ang deretsahang pag-amin ni Aiko.

“Bagets, fresh,” bulalas ni Aiko.

Unang beses nilang magsama sa isang proyekto, ang Alindog Ni Aiko ng VMX na host si Aiko.

“Pero friends na kami before pa kami magka-work.”

Kaya habang ginagawa nila ang pelikula ay lumabas na agad ang kakikayan at kakulitan ni Aiko sa harap ni direk Christian.

“Oo naman!”

Hindi naman siya sinaway ni direk Christian?

“Hindi naman. Ano lang, smooth lang ‘yung naging work namin.

“Maagang natapos kasi wala kaming naging problem, smooth lang.”

Si Aiko ang grand winner ng Pantaxa Laiya at ang Alindog ni Aiko ay isang special feature na mas makikilala pa natin si Aiko at malalaman ang mga juicy trivia at never-before-heard facts tungkol sa kanya.

Available na for streaming sa VMX, muling mapapanood dito ang mga hindi malilimutang eksena at pinakamaiinit na tagpo sa kanyang mga pelikula gaya ng Haliparot, Balinsasayaw, Maharot, Puri for Rent, Tawag ng Laman, Forbidden Desire, Papalit-Palit, Palipat-Lipat, at Ang Lihim ni Maria Makinang.

Para mag-stream, pumunta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.