MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng isa sa blockbuster film ng taon na Pee Mak na pinagbidahan nina Bea Binene at Wilbert Ross ay may bagong pelikula ang aktres, and this time ang makakasama naman niya ay si Claudine Barretto.
Ang pelikula ay isang horror film na may titulong Morticia na ididirehe ng direktor na nagbigay sa atin ng mga pelikulang Ouija, Sundo na si Topel Lee.
Maraming netizens ang nagsasabing si Bea na ang susunod na Horror Queen ng Viva.
Ilan nga sa komento ng netizens: “Ang galing kaya niya sa Pasahero. It’s pretty scary.”
“Pansin ko nga. Siya ang ginu-groom ng Viva bilang bagong Horror Queen.”
“Bagay sa kanya ang horror.”
“Iyong movie nila ni Claudine parang Sukob nina Kris at Clau ang feels.”
“Sana, huwag lang siyang ma-typecast sa horror. She’s a good dramatic actress.”
“Dati na siyang gumagawa ng horror movies like Nokturno, Pasahero at Posthouse.”
“Career-changing talaga sa kanya ang pagiging blockbuster ng Peemak na more than 100 million na ang gross.”
“Gusto ko ang trajectory ng career niya na di bet makulong sa loveteam.”
“She’s out to prove na hindi lang siya one-hit wonder.”
