Kantang 10yrs ni Nadine isa sa Best Songs sa Apple Music 

Nadine Lustre 10 years

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA at proud ang actress-singer na si Nadine Lustre sa tagumpay nq kanyang follow up song na 10yrs sa kanyang hit song na Donuts na naka-collab niya ang international singer na si Apl De Ap. 

In-screenshot ni Nadine ang post ng All Charts PH na ang kanyang song na isinulat kasama si Rose Caroline Mamonong ay isa sa Best Songs of 2026 ng Apple Music.

Ang post na ito ni Nadine sa Instagram ay dinagsa ng congratulatory message mula sa netizens at malalapit na celebrity friends.