MATABIL
ni John Fontanilla
LAGING bukas at handa muling magtrabaho sa Kapuso Network ang dating GMAartist na si Bea Binene na ngayon ay nasa pangangalaga ng Viva.
“Gustong-gusto kong makatrabaho ang mga tao rito (GMA), sa tingin ko naman, wala akong sinunog na tulay.
“Nakakausap ko pa rin sina Tita Annette (Gozon-Valdes) at Tita Tracy (Garcia, GMA boss).
“Lagi kong sinasabi na kapag nandito ako, kapag nasa GMA ako, palaging pamilyar ang pakiramdam ko, kaya kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gustong-gusto kong muling makatrabaho sila.”
Ipinahayag nga ng aktres ang respeto at pagmamahal niya sa mga taong nakatrabaho niya noon sa GMA at ang espesyal na ugnayang nananatili sa kanya at ng Kapuso people.
Ayon nga kay Bea na sa kanyang pag-alis sa GMA noon ay wala siyang sinunog na tulay at nananatili pa rin ang magandang relasyon niya sa mga executive ng GMA.
Inamin din niya na kapag bumabalik siya sa GMA, palaging pamilyar at komportable ang kanyang pakiramdam.
