The Triplets, Roselle, Renz magsasama-sama sa US Tour

Sheryl Cruz Roselle Nava Tina Paner Manilyn Reynes Renz Verano

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGKAKAROON ng US tour ang apat sa cast ng seryeng Born To Shine mula GMA 7 na sina Sheryl Cruz, Roselle Nava, Tina Paner, at Manilyn Reynes, kasama si Renz Verano. Ito ay ang Timeless US Tour 2027, sa March.

Sa concert, tiyak kakantahin ng lima ang mga sumikat nilang song before. Si Sheryl ay ang kanyang Mister Dream Boy. Si Tina ay ang Tamis ng Unang  Halik. Si Roselle ay ang Bakit Nga Ba Mahal Kita. Si Renz ay ‘yung Remember Me, at si Manilyn ay ang Sayang Na Sayang.

Ito ang first time na magsasama-sama ang limang mahuhusay na singer sa isang concert. Salamat na  lang at nagkasama sina Sheryl, Roselle, Tina, at Manilyn sa nasabing serye.Kaya nagkaroon ng idea ang kanilang producers na pagsamahin nga sila sa isang concert with matching Renz pa.

Siguradong papatok ang kanilang US tour. Marami kasi tayong mga kababayan na nakabase na sa US ang sabik na makita silang nagpi-perform sa stage.

Ang tour dates and locations ng kanilang concert ay sa Los Angeles, California: March 26; San Diego California: March 27;  at  Las Vegas, Nevada on March 27.