
TUMUNGO sa Korte Suprema ang mga kinatawan ng PDP-Laban na sina Astra Pimentel PDP membership committee chairperson JE Villareal VP for Luzon, Atty Ferdie Topacio, PDP LABAN SPOKESPERSON at PDP LEAD CONVENOR of NOV 3 Indignation rally Penny Belmonte National VP for NCR, dala ang isang open letter na may petsang Oktubre 31, 2026. Nanawagan ang partido na agad resolbahin ang mga nakabinbing petisyon kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Iginiit ng partido na hindi nito hinihiling na paboran ng Korte Suprema ang kanilang posisyon, kundi maglabas lamang ng malinaw at agarang desisyon upang wakasan ang kawalang-katiyakan sa mga usaping legal.
“Our request is a single one: that the Court decide these cases, and decide them promptly,” ayon sa liham.

Tiniyak din ng PDP-Laban na igagalang nito ang magiging pasya ng Korte Suprema, anuman ang maging resulta. (BONG SON)
