Ashtine Olviga never nakipag-kompetensiya: I have my own time

Ashtine Olviga David Licauco Fight For My Way

DEADMA na sa Viva artist na si Ashtine Olviga ang mga toxic fan.

Ani Ashtine sa grand media conference ng pinagbibidahan niyang Viva One series, Fight For My Way, katambal sj David Licauco na inuunawa na lamang niya ang mga taong nega.

Aniya, inuunawa na lamang niya ang mga ito. “Hindi po kasi natin maiiwasan ‘yung mga ganoong klase ng tao so ako po, tina-try ko na i-understand na lang sila.

“Na baka may pinagdaanan sila na masama o masakit kaya ‘yun ang way nila to cope with pero at the same time, I don’t encourage na i-continue nila ‘yung ganoong kind of behavior.”

Pagpapatoy pa ni Ashtine, “Tulad ng sabi ko before na lahat tayo, may pinagdaraanan, so kung magiging mabuti tayo sa kapwa natin or magbibigay lang tayo ng smile, ano ba naman ‘yung magbigay ng encouragement kaysa i-pull natin ‘yung mga tao pababa?”

Kaya sa mga taong itinatapat siya sa kanyang mga kasabayan, isa lang ang nasabi ng dalaga.

“I really don’t compete with anyone and happy po ako sa success na nakukuha ng ibang mga kasamahan namin sa Viva.

“Naniniwala rin po ako na kung para sa kanila ‘yon, ‘yun ang para sa kanila and I have my own din po,” sabi pa ng aktres.

Malapit nang mapanood ang Pinoy adaptation ng isang pinakamamahal na K-drama tungkol sa magkakaibigang pursigidong lumaban para sa pag-ibig, pagkakaibigan, at pangarap.

Ipinagmamalaking ihandog ng Viva One ang Fight for My Way, ang kauna-unahang Korean series adaptation ng platform, na pinagbibidahan ng exciting new tandem at Ashtine, kasama sina McCoy de Leon at Aubrey Caraan. 

Idinirehe ni Crisanto B. Aquino, hatid ng Filipino adaptation ang puso at humor na minahal sa Korean series noong 2017, na may bago at sariling Pinoy flavor.  Mapapanood na ito simula November 20, ekslusibo sa Viva One. (Maricris Valdez)