MATABIL
ni John Fontanilla
PUMIRMA ng kontrata ang grand winner ng Star Quest, sa I Gee Studios, kauna-unahang Artista Search, na si Dana.
Bukod kay Dana, pumirma rin ang mga runner-up ng Star Quest na sina Ecko, Noah, Yuna, at Arwen.
Kaya magiging parte na sila ng I Gee Studios sa pagpasok nito sa kanilang 2nd season.
Napapanood ang I Gee Studiosevery Sunday, 7:00-9:00 p.m. sa I Gee Studios FB Page at sa Onflix Studio hosted by Blue Dreamers PH XanXan, Jairex, Zhian, Shayne, at Jared kasama sina Jam at James.
Ilan sa mga bagong segment na mapapanood rito ang Tangalan ng Kampeon, PPop Spotlight 2.0, Blooming Mommy 2027, KidoRamp- Kids On The Ramp atbp..
