MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG walang epekto kina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang ginagawang pagsasabong sa kanila ng mga netizen.
Balitang magkasama ang dalawa sa isang commercial at okey naman ang mga ito.
Sa shoot nga ay masayang nag-uusap ang dalawa at wala kang makikitang ilangan o iiwasan. Sabay pa ang mga ito na lumalabas ng venue pagkatapos ng shoot.
Hula ng fans na baka part 2 ito ng kanilang naunang commercial na magkasama ang dalawa.
Pero dahil sa confidentiality agreement, bawal pang sabihin kung para saang brand ang kinunang proyekto ng dalawang aktres.
Umaasa ang nga faney na hindi lang sa commercial magsasama ang dalawa kundi maging sa isang serye o pelikula.
