RATED R
ni Rommel Gonzales
TATLONG naggagandahang kababaihan ang magsasama-sama para sa isang road trip na ’di malilimutan at magbabago sa kanilang buhay. Abangan ang Threesome sa VMX.
Pinagbibidahan nina Angel Castro, Shiena Yu, at Rhian Rivera, kasama sina Vince Rillon, John Carl Sacro, at Clark Acero. Ang Threesome ay isang VMX Original Movie sa direksiyon ni Rodante Pajemna Jr..
Kuwento ito ng tatlong babaeng nasaktan na sina Mia (Angel), Lani (Shiena), at Jules (Rhian) na magro-road trip para makaganti sa lalaking nanakit sa kanila.
Rito, makakakilala sila ng tatlong binata at hahamunin ang isa’t isa na makasama ang mga ito sa isang mainit at mapusok na pagkakataon.
Kuwento ng paghihiganti at paghahanap ng tunay na pagmamahal. Abangan ang iba pang matutuklasan nina Mia, Lani, at Jules sa kanilang journey at kung paano mas titibay ang samahan ng tatlong dalaga na ang tanging hangad lang ay mahalin ng buo at tapat.
Panoorin ang Threesome, na nagsimula ngayong October 30 sa VMX!
