Pee Mak ng WilBea 90-milyon na ang kita

Wilbert Ross Bea Binene Pee Mak 

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang tambalang Wilbert Ross at Bea Binene dahil ang kanilang pinagbibidahang pelikulang Pee Mak ay umabot na sa 90 milyon ang kinita sa takilya.

Ang Pee Mak ang kauna-unahang pelikulang pinagbidahan nina Bea bilang Nak at Will bilang Mak, kaya naman napakasuwerte ng mga ito dahil blockbuster at patuloy na pinipilahan kanilang pelikula na nasa ikatlong linggo na ngayon sa mga sinehan.

Ang Pee Mak ay blockbuster film sa Thailand na pinagbidahan nina Mario Maurerat Davika Hoorne na ngayon ay nagkaroon ng Philippine adaptation na pinagbidahan nga nina Wilbert ar Bea.

Sa tagumpay ng Pee Mak, inaabangan na ng mga tagahanga ng WilBea ang susunod nilang pelikula.