PORMAL na pinarangalan si Dr. Siegfred L. Manaois, Special Deputy Collector ng Paircargo Assessment Composite Division sa Port of NAIA, sa ginanap na Grand Conferment Ceremony sa Grand Ballroom ng Okada Manila noong Oktubre 26, 2026. Ang pagkilala ay iginawad sa kaniya dahil sa kaniyang prinsipyo sa pamumuno at kahanga-hangang operational distinction.
Sa pakikipagtulungan sa mga namumuno sa ahensya — sa ilalim ng estratehikong gabay ni District Collector Atty. Maria Yasmin M. Obillos Mapa at sa matatag na reform-driven direction ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno — patuloy na pinangunahan ni Dr. Manaois ang mga frontline measures upang palakasin ang border security, bilisan ang trade facilitation, at itaguyod ang pampublikong pananagutan.
Sa loob ng ilang dekada ng natatanging paglilingkod sa bayan sa isa sa mga pinakasensitibong gateway ng bansa, ginawa ni Dr. Manaois na isang mataas na tungkulin ang kaniyang adbokasiya. Ang kaniyang mahusay na pamamalakad sa customs administration ay nagbabalanse sa mahigpit na pagbabantay at modernong serbisyo publiko. Sa pamamagitan nito, napangangalagaan ang pambansang pondo habang ipinapatupad ang pinakamataas na pamantayan ng etika sa mga operasyon sa daungan.
Bilang pagkilala sa kaniyang mahalagang kontribusyon sa integridad ng institusyon, kahusayan sa pamamahala, at civic duty, iginawad kay Dr. Siegfred L. Manaois ang marangal na Legacy Icon Ph Exemplary Public Service, Institutional Integrity, and Civic Leadership Award. (BONG SON)
