Rhian Rivera seksing-seksi kina Angel at Anne

Rhian Rivera Shiena Yu

MATABIL
ni John Fontanilla

PALABAN, honest, at game na game ang dalawa sa stars ng VMX movie na Threesome na sina Shiena Yu at Rhian Rivera sa pagsasabi kung sino ang gusto nilang maka-threesome na babae at lalaking celebrities.

Pinili ni Shiena sina Michelle Dee, Rhian Ramos, Daniel Padilla, at Joseph Marco, samantalang sina Angel Locsin, Anne Curtis, Ian Veneracion, at Albert Martinez naman ang bet na bet ni Rhian.

Ayon nga kay Shiena, “Si Rhian Ramos at saka si Michelle Dee, kasi ang hot nila eh, ang ganda, matangkad.

“So kung ako ‘yung pipili bilang babae, sila ‘yung gusto ko makasama na maka-threesome.”

Dagdag naman ni Rhian, “Sa akin po si Ms Anne Curtis at saka si Angel Locsin. Well ‘Darna’ at ‘Lobo’ undeniable talaga ang kaseksihan ni Angel Locsin.

“Tapos sa ‘Dyesebel’ at ‘Dyosa’ nagpamalas talaga ng sexiness si Anne Curtis.

“Sobrang ang hot nila for me, kaya sila ‘yung napili ko.”

Habang sa lalaki naman ay napili ni Rhian sinaIan at Albert. 

“Siguro sa akin si since straight naman ako, so gusto ko kasi si Ian at Albert.”

Tsika naman ni Shiena, “Ako sa akin si Joseph Marco at si Daniel Padilla, go ako riyan.”

Makakasama nina Shiena at Rhian sa Theesome sina Vince Rillon at Angel Castro.

Mapapanood ito simula October 23 sa VMX app. directed by Rodante Y. Pajemna Jr..