MA at PA
ni Rommel Placente
BONGGA si Maricel Soriano, huh! Dalawang magkasunod na Best Actress trophy kasi ang napanalunan niya dahil sa mahusay niyang pagganap sa Meet, Greet & Bye.
Una, ay sa Gawad Dangal Filipino Awards, na ang president at CEO ay ang award-winning actor at director na si Romm Burlat. Tie sila rito ni Maris Racal para sa pelikula niyang Sunshine.
Win din dito ang award-winning actress ng Box-Office Queen award dahil sa pagiging blockbuster ng kanilang pelikula.
Ang awards night ay ginanap noong Sabado ng gabi.
Ang pangalawang Best Actress award na napasakamay ng Diamond Star ay mula naman sa 42nd Star Awards for Movies, na ginanap noong Linggo ng gabi sa Winford Resort and Casino Manila.
For the second time, tie rin sila rito ni Maris.
Tuloy-tuloy ang pagtanggap ng mga parangal ni Inay Marya. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mga fan/supporter, lalo na ang grupong Forever Friends of Maricel Soriano.
To Inay Marya, our congratulations!
