Wilbert Ross time out muna sa showbiz; Pee Mak naka-P40-M na

Pee Mak WilBea Wilbert Ross Bea Binene

I-FLEX
ni Jun Nardo

SIYAM na araw na bakasyon ang inilaan ng actor-singer-songwriter na na si Wilbert Ross para sa sarili after ng homecoming concert niya sa Davao City sa October 25.

Sa Sydney, Australia ang punta niya dahil mayroon siyang kapatid dooon. Pasyal sa free time ang gagawin niya pero binibigyan pa rin niya ng oras ang pagsulat ng kanta.

“Harvest time kasi ngayon. Ngayon lang dumating sa akin ang sunod-sunod na trabaho. Strike while the iron si hot kaya ayoko naman tanggihan ang mga ‘yon hangga’t kaya ng schedules ko,” pahayag ni Wilbert sa mediacon ng next tour ng kanyang WRiten by Wilbert Ross bilang bahagi ng 10th year niya sa showbiz.

Sisimulan ang Calabarzon tour ni Wilbert sa Sta. Rosa City, Santa Rosa Sports Complex, Santa Rosa, Laguna.

Napatunayan na ni Wilbert ang lakas niya bilang concert artist at box-office actor sa Pee Mak na mahigit P40-M ang kinita  sa loob ng isang linggong showing.

Grateful and blessed si Wilbert sa nangyayari sa career niya ngayon kaya lubos ang pasasalamat niya sa Diyos at sa taong nagtitiwala sa kanya.