RATED R
ni Rommel Gonzales
PAPEL ng isang mangingisda ang ginampanan ni Mon Confiado sa pelikulang The Fisher ng direktor na si Paul Soriano.
Nagkaroon ng immersion si Mon sa kanyang role para magmukha siyang makatotohanan bilang isang fisherman.
“Nakita niyo naman ‘yung character ni Pedro kasi sobrang complicated na i-play.
“Hindi lang kasi siya mangingisda eh, psychologically medyo mabigat ‘yung dinadala niya and masyadong poetic ‘yung kanyang pagkatao.
“Kailangan ko talagang gawin sa pakiramdam ko at sa palagay ko na mag-immerse number one siyempre ‘yung attitude ng fisherman nagre-reflect kasi talaga roon sa… wala kasi talaga akong alam about fishing, about a fisherman.
“So kailangan ko talaga siyang pag-aralan, ‘yung paglambat lang, ‘yung paghawak ng sagwan, ‘yung paghawak ng mga isda and everything.
“Kailangang pumasok sa akin.
So, naisip ko na sabi ko nga, kinontak ko ang aming line producer si Miss Bianca [Trinidad] thru…the kumbaga pagbibigay way ng production.
“Eh a month before ng shoot nandoon na ako, nakihalubilo na ako sa mga fishermen, 3:00 a.m. nangingisda na kami.”
Sa Ilocos Norte ang location ng kanilang shoot.
“Tumira ako roon, originally ang gusto ko sana roon sa actual na bahay namin kaya lang walang koryente talaga roon tapos napakalayo niyon from the main road. So, parang imposible.
“Medyo, sabi nga ni direk ‘yung safety ko ang iniisip din nila kasi wala talagang tao roon baka hindi ako maka-adapt o maka-adjust, so kung may mangyari sa akin ang hirap na i-rescue nila ako.
“So iyon in-enjoy ko ‘yung proseso and I’m very proud na nai-play ko siya sa execution ni direk, napakagandang experience!”
Mga artista rin dito sina Mercedes Cabral, Enchong Dee, Heaven Peralejo, Tommy Alejandrino, at Eula Valdes. Prodyus ng TEN17P at Black Cap Pictures.
Palabas na ngayon sa mga sinehan.
