RATED R
ni Rommel Gonzales
TUNGKOL sa suwerte at malas ang pelikulang The Fisher.
Kaya natanong ang isa sa mga cast member ng pelikula na si Mercedes Cabral kung naniniwala siya na may mga bagay na nagdadala talaga ng malas o suwerte sa buhay ng tao.
“Personally, yeah,” umpisang sagot ni Mercedes.
“But I guess it depends on how you grew up din. So, ako like growing up I guess may mga bagay kasi talaga na kailangan mong paniwalaan for you to, for it to be easier to navigate life, I think.
“And depende rin eh, kasi baka may pagdaraanan ka and for it to be easier and lighter I think mas madaling i-blame to something rather than accepting the reality of it.
“So I think nakikita ko rin iyon sa character ni Pedro [Mon Confiado] eh.
“So ako naniniwala ako sa mga ganoon.”
Samantala, bilang isang Noranian ay masaya si Mercedes na nag-shooting sila sa mismong lugar sa Ilocos Norte na nag-shoot noon ang classic film na Himala ng Superstar na si Nora Aunor.
“Doon ko na lang nalaman and of course unang tanong ko is ‘Saan dito exactly?’
“So malapit naman siya kung saan ‘yung set namin.
“And I remember watching it again para lang makita kung saan. So, yeah ang gandang location siya and experience.”
Kaya labis na nagpapasalamat si Mercedes kay direk Paul Soriano at sa mga producer nila, ang TEN17P at Black Cap Pictures sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong maging parte ng pelikula.
Mga artista rin dito sina Enchong Dee, Heaven Peralejo, Tommy Alejandrino, at Eula Valdes at palabas na ngayon sa mga sinehan.
