Valerie Tan ng I Heart PH bumilib sa wax figure ni Anne

Valerie Tan I Heart PH

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SOBRANG proud ang award-winning host ng I Heart PH  na si Valerie Tan dahil kilala at pinagkakaguluhan si Anne Curtis sa Hongkong.

Sa media conference ng travel and lifestyle program na I Heart PH Season 11, ibinahagi ni Valerie ang kung paano pinagkaguluhan ang wax figure ng aktres sa Madam Tussauds Hongkong. 

Isa nga sa unforgettable experience ni Valerie ang pagbisita sa iba’t ibang tourist attractions sa Hong Kong para sa nasabing programa.

Sa pagbabahagi ni Valerie sinabi nitong humanga siya nang makita ng malapitan ang wax figure ni Anne na talagang napakaganda at gayang-gaya sa hitsura ng aktres ang pagkakagawa.

Ani Valerie, sobrang realistic ng appearance, mula sa skin texture hanggang sa buhok.

“I was so amazed kasi ang galing talaga ng pagkakagawa. It was so, so realistic. 

“I was able to go up close, pati parang texture ng skin, hair, anything, parang I was starstruck kahit alam kong wax sila,” pagbabahagi ni Valerie.

“Nakakatuwa. Alam n’yo ba na ang daming foreigners na nagpapa-picture kina Catriona Gray at Anne Curtis.

“So parang nakaka-proud din kasi kilala nila ang mga Pinoy celebrity,” wika pa ng host ng I Heart PH.

Bukod kina Anne at Miss Universe 2018 Catriona, mayroon ding wax figures sina boxing champion Manny Pacquiao, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Marami pang lugar ang pinasyalan ni Valerie na ibabahagi niya sa kanyang show na I Heart PH Season 11 na mapapanood na sa October 25, Linggo, 11:30 a.m. sa GTV. 

Ang I Heart PH ay produce ito ng TV8 Media Productions na patuloy na maghahatid ng exciting destinations, cultural discoveries, entertainment, at food adventures para sa mga manonood.