Alden suportado closet sale event ni Heart 

Heart Evangelista Alden Richards

I-FLEX
ni Jun Nardo

DINAGSA muli ang Heart & Friends Closet Party na ginanap noong Linggo at Lunes sa Metro Tent sa Pasig City.

Second time na itong ginawa ni Heart Evangelista na pinagkaguluhan ang pre-loved at branded items nila ng mga kaibigan niya sa murang halaga.

Umaga pa lang ay humangos na sa venue ang gustong makabili ng items. Maaga ring dumating si Heart sa venue na hindi lang organizer ang role kundi pumapel din siyang cashier, entertainer at iba pa sa dalawang araw na event.

Isa sa sumuporta sa global fashion icon ay si Alden Richards na inilibot ni Heart at personal na inasikaso hanggang sa umalis.

For a good cause ang event ni Heart and friends pero hindi muna inilabas kung saan mapupunta ang bahagi ng proceeds ng event.