
HATAW News Team
NAIS tiyakin ni Senate President Sherwin Gatchalianna hindi AI (Artificial Intelligence) o photoshoppedang mga nag-viral na retratong naka-wacky pose ang mga miyembro ng House prosecutors na kuha sa loob ng session hall ng Senado at sa mga pasilyo nito, kaya’y pinaiimbestigahan niya ang insidente.
Ayon kay Gatchalian, hindi dapat pinapayagan ang ganitong mga gawain sa loob ng institusyon.
“Ang session hall at Senado ay sagrado dahil dito natin ginagawa ang marami sa ating mahahalagang batas at mahahalagang isyu, so dapat respetohin natin itong institusyon na ito,” pahayag ni Gatchalian.
Aniya, inatasan niya ang Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na suriin ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) upang tiyaking hindi gawa ng artificial intelligence (AI) at photoshopped ang mga larawang kumakalat online.
“So (i)pinapa-check ko sa CCTV, kasi ngayong uso ang AI, to be honest about it. I wanna make sure lang na hindi AI ‘yun, hindi ‘yung ginawa lang sa photoshop,” sabi ni Gatchalian.
Tiniyak ni Gatchalian, maglalabas siya ng opisyal na pahayag kapag nakompleto na ang beripikasyon.
Tinanong din ang Senate President tungkol sa mga video na nagpapakita kina dating presidential legal counsel Salvador Panelo at isang vlogger na umano’y sumasayaw sa loob ng pasilyo ng Senado.
“Hindi naman tama na may ginagawa kang katawa-tawa sa loob ng ating institusyon,” ani Gatchalian.
Kapag napatunayang tunay ang mga insidente, magpapadala ang Senado ng liham at babala sa mga sangkot bilamng pagtiyak na mapananatili ang dignidad at respeto sa institusyon.
