ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PAGKATAPOS ng ilang buwang pag-aabang, pananabik, at espekulasyon, handa na sa wakas ang entablado para sa kauna-unahang Puregold Teatro Panalo! Mula sa kabuuang 373 lumahok sa buong bansa, 12 ang natatanging akdang pinalad na mapabilang sa makasaysayang unang batch ng finalists.
Ang ilan sa mga pinakamalalaking pangalan sa Philippine theater ang masusing sumuri sa daan-daang entry, upang hanapin ang mga pinakamamanghang kuwento, mga pinakabagong boses, at mga pinakamatatapang na malikhaing pananaw.
Ngayon, handa nang umakyat sa entablado ang 12 napili at simulan ang isang kapana-panabik na bagong kabanata para sa teatrong Filipino. Ang pinakahihintay na pag-anunsiyo ay naganap sa isang espesyal na live event sa Cinema 16 ng Gateway Mall noong 14 Oktubre.
Ang mga napiling playwrights ay nakatanggap ng P100,000 talent fees, hudyat ng panimula ng kanilang journey bilang pioneers ng first-ever Puregold Teatro Panalo.
Si Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Teatro Panalo Festival Chair, ay nagpahayag ng kanyang excitement sa historic na lineup at ng extraordinary response mula sa Filipino theater artists sa buong bansa.
Aniya, “It was encouraging to see how many Filipino storytellers are eager to share their work, and it made choosing only 12 plays especially difficult. They remind us how much Filipino theater has to offer; how live experiences offer authentic connections, and how important it is to create more opportunities for these stories to find their audience.
“With Puregold Teatro Panalo, we hope to give these works the stage they deserve and, in our own way, help Philippine theater continue to grow.”
Binubuo ang 12 finalists – eight straight plays at four musicals – ng inaugural Puregold Teatro Panalo ang mga sumusunod:
“The Girl Scout Law” ni Rhain Arabella Alcoriza; “True to Life” ni John “Sweet” Lapus; “Trahedya ng Kamote” ni Marjay S. Manalastas; “The Boy Foretold By The Stars (One Act Play)” ni Dolly Dulu; “Nothing But Dreams” by Ricardo C. Novenario; “Youngstunna” ni Jerom Andrei M. Canlas; “Walang Maliit na Bagay” by Joshua Lim So; “@HOME” nina Edralin Cabrera, Kathlyn Castillo, Michael lan Lomongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias, & J Victor Villareal; “Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista” ni Jude Thaddeus M. Gitamondoc; “Baka mali ang Tamaraw” by Emmanuel Benbinuto Antonio; “Manang-Mana Nga!” ni Steven Hotchkiss; at “The Fourth Wall Has Fallen” ni Heber Justin P. O’Hara.
Nasa likod ng selection ang kahanga-hangang pagsasama-sama ng ilan sa mga pinakarerespetong lupon ng mga kilala sa larangan ng teatro sa bansa: NCCA SUDI National Music Awardee, two-time Palanca Award-winning playwright, and Festival Director Vincent A. De Jesus; two-time Philstage Gawad Buhay! Award-winning director and accomplished actor Jenny Jamora; five-time Palanca Award-winning playwright Liza Magtoto; actor, award-winning film director, and producer Marlon Rivera; at theater artist, lyricist, at Palanca Awards Hall of Famer Atty. Nicolas Pichay.
Kasama ng team bilang Screening Committee members ay ang multiple Palanca Award winners Dr. Layeta Bucoy at Allan Lopez, na nag-screen sa festival submissions at shortlisted the entries. Nagbigay ng invaluable expertise at creative guidance sa festival ay ang Artistic Adviser nito, ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Dahil sa pambihirang lupon ng mga alagad ng sining na nasa likod ng proseso ng pagpili, ang panimulang lineup ay kinatawan ng isang makapangyarihang pagtatanghal ng pagkamalikhain, imahinasyon, at talento sa pagkukuwento na sumisibol sa Filipinas ngayon.
At ito ay simula pa lamang!
Ang lahat ng 12 finalists ay makatatanggap ng comprehensive development and production na suporta mula sa festival organizer Wishbone Collective Inc., na gagawin ang kanilang mga nagwaging konsepto tungo sa mga ganap na produksiyon sa entablado.
Makikita ng mga manonood ang kapana-panabik na mga bagong akdang ito kapag ang Puregold Teatro Panalo ay nagsimula mula February 20 to March 14, 2027. Tataas lalo ang pananabik sa pagtatapos ng pagdiriwang. Isang dula (straight play) at isang musikal ang bawat isa na bibigyan ng karagdagang grant para sa pagpapalago (development grant), na magbibigay sa kanilang mga tagalikha ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang mga gawa upang maging ganap na mga produksiyong pang-teatro.
Higit pa sa pagiging isang kapistahan o festival, ang Puregold Teatro Panalo ay umuusbong na bilang isang mahalagang bagong plataporma upang matuklasan ang talento ng mga Filipino, itaguyod ang mga orihinal na kuwento, at lumikha ng mga oportunidad para sa susunod na henerasyon ng mga dulaang manggagawa (theater makers).
Twelve groundbreaking works. Isang makasaysayang pambungad na pestibal. Isang mapangahas at bagong yugto para sa teatrong Filipino.
Handa nang umakyat sa entablado ang hinaharap ng dulaang Filipino. At sa pagbubukas ng tabing sa taong 2027, masasaksihan ng mga manonood ang simula ng isang bagay na tunay na katangi-tangi.
