LIMANG suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto at nahulihan ng ilegalna drogang marijuana at methamphetamine hydrochloride (shabu) sa isang buybust operation na nauwi rin sa pagkakalansag sa isang drug den sa Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong 11 Oktubre 2026.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office ang mga naarestong suspek sa kanilang mga alyas na Kalbo, 44 anyos; Nono, 23; Tonio, 56; Roni, 40; at Jun, 39.
Nakompiska ng operating team ang halos 13.17 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng
P89,556; 2.48 gramo ng marijuana (nagkakahalaga ng P29,700), iba’t ibang drug paraphernalia, at ang buybust money.
Ang mga nakompiskang ilegal na droga ay ipapadala sa PDEA-3 Laboratory Section para sa forensic examination at kumpirmasyon.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang elemento ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office at ng Nueva Ecija Police Provincial Office – Drug Enforcement Unit (PDEU).
Ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay inihahanda para ihain sa korte laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)
