ni Niño Aclan
ISANG ‘EKSANADORANG’ miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pinag-uusapan ngayon dahil sa pangha-harass at tila ‘super power trip’ ang ginawa sa isang representante ng kompanya na dumalo pagdalo sa isang congressional hearing.
Putok na putok ang impormasyon na tila enerhiyang sumabog ang pakiramdam ng naturang gabinete matapos ang hearing, patunay nga ang ginawa niyang pagkompronta sa kinatawan ng isang kompanya na dumalo sa pagdinig.
Akala ng kinatawan ay kakausapin at kukumustahin siya ng cabinet secretary pero nagkamali siya, super maling akala, dahil sa tindi ng init ng ulo sa mga kongresista, napahiya at nagmukhang tanga sa congressional hearing at pinagsisigawan ang company representative.
Hindi pa nakontento ang gabinete sa paninigaw dahil nakatikim pa siya ng mga mura at panduduro ng daliring nagmukhang Hogwarts magic wand. ‘Yun bang may matutulis na kuko at parang bumabaluktot dahil sa lakas ng dumadaloy na koryente ng gigil at galit. Imadyinin n’yo nga ‘yun.
Gulat na gulat nga ang lahat ng nakasaksi at hindi man lamang daw pinagpaliwanag at pinagsalita ang kinatawan ng kompanya kaya sa huli ang ginawa na lamang ay tumango nang tumango.
Bukod sa pagtango ay sinuklian na lamang ng kinatawan ng kompanya ang opisyal na animo’y lasing na lasing na nag-aamok sa kalsada, na para tuloy mal edukada.
Hindi tuloy naitago ng kinatawan ng kompanya ang pagkadesmaya dahil tila baga hindi nararapat sa isang opisyal na tulad ng naturang gabinete ang kanyang inasal mas mabuti pa nga raw ang asal ng hayop.
Kung nag-aral man ang nasabing gabinete malamang absent o nag-cutting classes o natulog ito sa klase tuwing GMRC.
Nakalulungkot lamang na maari namang maging mataas na boltahe ang isang debate at mauwi sa kainitan ngunit hindi kinakailangan maging ‘high voltage’ ang pakikitungo sa kapwa na halos nakalimutan na ang decorum at moral values.
Sa inasal ng cabinet secretary parang naawa sila, parang kulang na kulang siya sa pagmamahal.
Napakanta na lang daw sila ng paboritong awitin sa mga handaan ni Megastar Sharon Cuneta: Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal, hayaang matakpan ang kinang na hindi magtatagal, mabuti pa kayang maging bituing walang ningning.
Ay wait, The Who nga?
