Malupiton Analyn Barro Hes Dating A Boldstar

RATED R
ni Rommel Gonzales

SIKAT na content creator at social media personality si Malupiton.

Napakarami niyang followers at tagahanga dahil sa kanyang mga nakaaaliw at nakatutuwang video contents.

Kaya naman tiyak na pipilahan sa takilya ang una niyang pagbibidahang pelikula, ang romantic/ comedy film na He’s Dating A Boldstar.

Leading lady niya dito ang ang maganda at seksing Sparkle/GMA female star na si Analyn Barro (na kinaaaliwan ng televiewers sa Bubble Gang).

Makakasama rin nina Malupiton at Analyn sa pelikula sina Aleck Bovick, Leandro Baldemor, at Rob Sy.

Introducing naman dito sina Kolokoys TV, Happy Friend, Awut, Rugbudoy, Bonn Earl, Atha Quevedo, Mac Temones, at Allen Deniro na unang nakilala bilang Alden Co.

Paano kung ang babaeng minahal mo, “pang-adult” ang trabaho?

Isang simpleng lalaki. Isang babaeng hindi para sa mahina ang loob. Ano ang uunahin, pag-ibig o pangarap?

Dito iikot ang takbo ng kuwento ng pelikula.