SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HANDA na sa mas challenging roles pero tiniyak nina Francine Diaz at Seth Fedelin na pinananatili nilang maingat sa anumang malaking tatahaking bago sa kanilang career.
Nagbalik-tanaw ang FranSeth sa kanilang memorable experiences sa IWant micro series na A Cake to Remember at dito nga nila naibinahagi na handa na sila sa mas challenging roles.
Ani Seth, isa sa pinakamagandang alaala niya mula sa micro series ang kanilang kissing scene ni Francine.
Aniya, ilang beses na silang tinanong tungkol sa paggawa nito (kissing scene) sa kanilang mga naunang projects, ngunit pinili nilang hintayin ang tamang kuwento at pagkakataon.
“Siguro ‘yung kiss. Ito kasi totoo pong sagot, ‘yung mga project na ginawa namin before ‘A Cake to Remember’ hinihingan kami ng—kung kaya namin gawin, kung kaya namin mag-kiss sa isang scene.
“Pero sabi namin, gusto namin ibigay ‘yung ganoong moment siyempre sa ABS-CBN. At saka, nasa tamang kwento, nasa tamang palabas,” wika ni Seth.
Para naman kay Francine, na unang beses ding gumawa ng kissing scene sa series, naging mas meaningful ang moment dahil nangyari ito sa ABS-CBN at nabigyan ng purpose ang isang kwento.
“Hindi pa ako nagkaroon ng kissing scene ever. At saka, ‘yung mga nauna naming projects before ‘A Cake to Remember’—hinihingan talaga kami ng kiss pero gusto talaga namin ibigay sa ABS-CBN.
“Hinahanapan din kasi dapat ‘yun ng magandang kwento, and I think naging perfect scene siya sa series na ito kasi micro series and parang ano bang iiwan mo sa mga manonood na tatatak sa kanila bukod sa kinilig sila at nasaktan,”
“Kasi siyempre sa kanila kami talaga nagmula and parang, we want to give back kahit sa maliit na way,” anang dalaga.
“Hinahanapan din kasi dapat ‘yun ng magandang kwento, and I think naging perfect scene siya sa series na ito kasi micro series and parang ano bang iiwan mo sa mga manonood na tatatak sa kanila bukod sa kinilig sila at nasaktan,” dagdag na ni Francine/.
Pagdating naman sa posibilidad na mapanood ang FranSeth sa mas daring na projects, bukas ang dalawa sa pagganap sa mga role na challenging sa kanila bilang mga artista, ngunit maingat pa rin sila sa kung hanggang saan nila dadalhin ang kanilang on-screen romance.
“I think kung gagamitin ‘yung word na daring, baka maging too much to describe ‘yung next step.
“Baka mas magiging courageous kami to take on roles na daring for us individually at ng magkasama,” paliwanag ni Seth.
Mahalaga rin para sa dalawa ang kanilang batang audience sa pagpili ng mga proyektong kanilang gagawin. Umaasa si Seth na patuloy na may mapupulot na aral ang kanilang mga manonood at binigyang-diin na ang pagiging maingat sa kanilang audience ay hindi nangangahulugang nililimitahan nila ang kanilang sarili bilang mga artista.
“Karamihan po kasi ng mga tagahanga namin is bata.
“So gusto po namin na may mapulot pa rin na aral—kailangan po namin maging masinop sa mga ipinakikita namin para kahit paano, hindi po namin tinatanggal sa sarili namin na gumawa ng ibang mga proyekto, o maging versatile na aktor o aktres,” sambit pa ni Seth.
Mula sa serving kilig to major milestones, mas matamis talaga ang bawat hakbang kapag magkasama. Patunay ang kanilang journey sa charm ng kanilang love team–kaya naman excited na ang lahat sa kung ano ang susunod para sa kanila. Mapapanood sina Francine at Seth sa A Cake to Remember, na available na ngayong i-stream sa iWant.
