ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PETMALU ang naging eksena nang umakyat sa entablado si Giselle Sanchez para sa live taping ng kanyang kauna-unahang comedy special na “Bad Example” noong September 20 sa Higashibetsuin Kaikan Hall sa Nagoya, Japan.
Mahigit 450 audience ang dumagsa para mapanood ang tinaguriang Siren of Stand-Up—at ang mas nakakabilib, solo act lang si Giselle! Walang front act. Walang ibang comedian na magpapainit ng audience. Giselle lang at sapat na iyon para punuin ang bagong-renovate na theater.
Hindi lang mga taga-Nagoya ang nagpunta. May mga Pinoy pang bumiyahe mula Osaka, Gifu, Nagano, at iba pang lugar sa Japan. Habang may ilan ding dumating sakay ng tour buses para lang mapanood ang comedy special.
TAWA NANG TAWA ANG CROWD! At hindi naman nabigo ang mga nag-abang. Todo-hataw si Giselle sa kanyang comedy, na naghatid ng sunod-sunod na tawanan sa audience. Pero hindi lang puro punchline ang inihanda niya. Nagpakawala rin siya ng personal at nakagugulat na revelations tungkol sa kanyang married life at sex life, dahilan para may mga audience na matawa, mabigla at mapailing sa kanyang mga kuwento.
Kung may isang bagay na malinaw noong gabing iyon, iyon ay ang pagiging walang preno ni Giselle sa entablado!
MALAKAS ANG TEAM SA LIKOD NG SPECIAL Ang Bad Example ay produced and directed ni award-winning filmmaker at Tech CEO Direk Nijel de Mesa. First comedy special ito ni Giselle at unang collaboration din niya sa NDM+ comedy writers’ room. Kasama sa writing team sina Henry Maceda at Ferdie Aguas, mga veteran comedy writers na kilala sa Bubble Gang, pati sina Patrick Alcantara at Jarvin Pastor ng Pencil Box. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit mas malaki ang production treatment ng special.
NDM+ TEAM, PRESENT! Naging bahagi rin ng espesyal na gabi ang ilang executives at creatives ng NDM+. Namataan sa venue sina Jan Christine Reyes, NDM Executive Vice President; Direk Carlo Alvarez, NDM Board of Adviser at resident director; Anthony Ocampo, Head of Business Development Unit; Artist Orbista, Managing Director for Central Japan; at Libye Suzuki, Managing Director for Osaka.
NEXT STOP: THE WORLD! Pero ang tunay na pasabog ay sa October 10. Mula sa live stage sa Nagoya, mapapanood na ang Bad Example sa buong mundo bilang isang eksklusibong streaming special sa NDM PLUS.
Kaya kung nagawa ni Giselle na patawanin ang mahigit 450 katao sa isang theater sa Japan… Handa na kaya ang buong mundo sa kanyang Bad Example? Abangan sa November 7, 2026.
