SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MASAYA at excited si Carmelle Collado na i-represent ang Pilipinas sa international stage habang naghahanda siya para sa kanyang Eurovision Asia performance sa Bangkok sa Nobyembre 14.
Kasabay ng pagkakataong makapag-perform sa harap ng global audience, isang malaking responsibilidad para kay Carmelle na ibandera ang Pilipinas.
Aminado si Carmelle na may pressure pero mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang buong experience at ang malaking oportunidad na ito.
“Of course po, kasi sabi ko nga when you represent the country, it’s a huge responsibility. Eurovision is pang-worldwide and global audience po talaga ‘yung nanonood. So, grabe po talaga ‘yung pressure.
“But at the same time, ako po nagfo-focus din po ako sa kung ano po ‘yung opportunities na puwedeng mangyari sa buhay ko—win or lose po,” pagbabahagi ni Carmelle.
Para kay Carmelle, malaking bagay na para sa kanya ang mapiling kumatawan sa bansa.
“Ngayon po happy na po ako kasi ako po ‘yung napili na mag-represent po ng Philippines.
“Tina-try ko po ‘yung best ko na hindi mag-overthink—talagang mas nagma-matter po sa akin na i-enjoy ‘yung journey,” dagdag niya.
Ang unang concert ni Carmelle ang itinuturing niyang mahalagang experience na makatutulong sa kanyang nalalapit na performance sa kompetisyon.
Gayunman, alam niyang ibang hamon ang Eurovision Asia dahil maraming performers ang kailangang magbigay ng kanilang best sa limitadong oras para makapag-iwan ng impression.
“‘Yung first solo concert ko po kasi parang ‘yung nagbigay sa akin ng daan para matutunan ko kung paano ko i-carry ‘yung sarili ko, lalong-lalo na po ‘yung buong performance.
“Sa ‘Eurovision’ naman po, it’s a different one po kasi marami po kaming kakanta and we only have minutes to make an impression,” paliwanag pa ng magaling na singer.
Habang naghahanda para sa international stage, tinitiyak din ni Carmelle na bahagi ang kanyang sariling ideas sa pagbuo ng performance.
Aniya, pinaghalo nila ng kanyang team ang kanilang mga idea hanggang sa makahanap sila ng direction na komportable ang lahat.
“Kailangan ko po talaga magsabi kung ano po ‘yung gusto ko, kung saan po ako komportable kasi ako po ‘yung magpe-perform.
“But then, ako talaga, nag-unite kami na ito na lang ‘yung magandang gawin sa performance.
“So happy po ako kasi nagkasundo kaming lahat,” pagbabahagi pa ni Carmelle.
Sa lakas ng kanyang stage presence at talento, siguradong mas mapapansin pa si Carmelle sa kanyang nalalapit na performance sa Eurovision Asia on November 14.
Gamit ang kanyang powerful voice at undeniable stage presence, tiyak marami pang puso ang mabibighani ni Carmelle sa iba’t-ibang bansa.
Sa pagsabak niya sa international stage kasama ang kanyang talento, magbubukas pa ito ng mas maraming oportunidad sa kanyang career.
