Jem Milton muling magpapatakam sa mga barako, via Christine Bermas’ Viva Cafe show

Christine Bermas Jem Milton

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG tisay na sexy actress na si Jem Milton ay isa sa pinaka-daring na kalahi ni Eva na sumasabak sa pagpapatakam sa VMX. Umaapaw ang kanyang sex appeal kahit saang anggulo siya bistahan.

Sa mga naka-miss kay Jem, mapapanood siya in the flesh sa show ng isa pang hubadera na si Christine Bermas titled “Under Her Spell, A Christine Bermas Special,” sa Viva Cafe. Dito’y tiyak na matatakam at maraming boys ang maglalaway sa mga sexy actress na tampok sa show.

Magaganap ito sa Oct. 28, 9pm at bukod kay Jem, guest dito ni Christine sina Aya Fortes at Mayumi de Vera.

Kakanta ba siya sa Christine Bermas show sa Viva cafe? Sasayaw nang sexy? First time niya bang kumanta sa isang show?

Tugon ni Jem, “Dati nakakakanta and sayaw na ako sa mga events, like fiesta, Christmas party, opening ng clubs… etcetera. Pero tagal na noon, as in now na lang ulit. So, parang first time na lang ulit.”

So, anong klaseng mga production number ang mapapanood dito? Pati outfit, super sexy ba?

Aniya, “May isa akong number na kakanta ako with kaunting sayaw, then dalawang sayaw… and yes, sexy outfit siyempre ang mapapanood dito.”

May number ba sila ni Christine, na magkasama?

“Ay, hindi ko pa alam… pero sabi iyong opening magkasama kami. Hindi ko alam if tatlo lang kami or if kasama si Christine.”

Nakatrabaho na ba niya si Christine sa VMX?

“Hindi pa, pero may napanood ako rati na movie niya noong hindi pa ako lumalabas sa VMX. Moonlight Butterfly yata ‘yung title ng movie niya na napanood ko rati.

“Pero ang masasabi ko kay Christine bilang sexy actress, she’s really good,” pakli pa ni Jem.

Bakit dapat panoorin ang show ninyo sa Viva Cafe?

“VMX Viva Cafe always knows how to put on a show and tiyak na sulit ang ibabayad nila at magiging memorable ang gabi nila kapag nanood sila rito. Mag-iinit ang kanilang gabi,” nakangiting wika pa ni Jem.