Ara Altamira isa sa tampok sa Regal Studio Presents, sumabak din sa pagiging content creator

Ara Altamira Zion Cruz Ralph Miaco

SINA Ara Altamira, Zion Cruz, at Ralph Miaco ang tampok sa Regal Studio Presents sa GMA Network ngayong Sunday, 2:00 pm.

Bukod dito, si Ara ay napapanood din sa serye ng GMA-7 titled “Born To Shine”.

Ito ang nabanggit sa amin ni Ara sa aming panayam: “Bale, nag-focus ako lately sa pagiging content creator especially travel contents, kaya minsan na lang ako magka-show. So, ngayon na lang po ulit.

“Abangan po nila this Sunday, ‘yung upcoming  po na episode ko sa Regal Studio Presents sa GMA and I’m currently in GMA-7’s Born To Shine.”

Ano ang role niya sa Regal Studio Presents?

Tugon ng aktres, “Ako si Lilian, nanay ng isang bata (Zion) na bigla na lang tumanda (Ralph, bida). Drama-comedy ito na may inspiring lesson, directed by Christopher Novabos and written by Lawrence Nicodemus.”

Kumusta ka-work si Zion? “Sobrang cute niya at magaling, magalang… tahimik lang din siya pero kapag umakting na, madadala ka talaga,” saad ni Ara.

Aniya pa, “Sa Born To Shine naman, I’m Aaliyah, assistant of Sheryl Cruz. Nag-start ako ng taping dito during half of September and major scene ko was ‘yung confrontation with Ms. Vina Morales.”

Kontrabida ba siya rito? Esplika niya, “Kakampi po ako ng bida (Zephanie), that time ako ang tumayong RM n’ya habang wala si Ms. Sheryl Cruz. Laya inihanda ko sarili ko at in-internalize na dahil wala siya, kailangang may magtatanggol kay Jeni (Zephanie). Kinabahan ako sa eksena namin, kasi siyempre first time ko makaeksena si Ms. Vina.”

Ayon pa kay Ara, happy siya na maging bahagi ng Born To Shine. “Yes po, actually unexpected at biglaan lang ang Born To Shine, hindi ko akalain na maganda ang impact ng scene ko with Ms. Vina. at ang dami pala talagang fans ng show na iyan.”

Bakit niya naisipan na mag-focus as content creator?

“Siguro that time, iyon ang maraming opportunity and mas control ko rin ang sarili kong schedule. Plus, nakapagta-travel pa ako which I truly enjoy. I love traveling and sharing travel tips at nata-challenge rin ako makasama sa mga top travel content creators, specifically sa Klook.

“Kaya gamitin n’yo rin po ang code ko para may discount kayo: ARAALTAMIRAKLOOK, hehehe.”