Warning ng MMDA
Mag-ingat sa scammmers kaugnay ng NCAP violations

MMDA NCAP Scam

BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko lalo ang mga motorista laban sa mga scammer na nagpapanggap na bahagi ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na gumagamit ng pekeng website at payment channels upang makakuha ng pera at mga importanteng impormasyon.

Ayon kay MMDA Chairperson Don Artes, maaaring malinlang ang mga motorista at maibigay ang kanilang one-time password (OTP) sa pekeng NCAP websites.

Nagsampa na ng reklamo ang MMDA sa National Bureau of Investigation (NBI) at nakipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) para tugunan ang scam.

Ayon sa MMDA, huwag mag-click sa mga link na ipinapadala sa text at i-check ang NCAP violations sa official online platforms ng mga LGU. Maaaring  gamitin para sa MMDA violations ang eGovPH app at online NCAP services ng ahensiya.