MA at PA
ni Rommel Placente
BINIGYAN ng malisya ng mga netizen ang isang social media post ni Mavy Legaspi.
Nilagyan ng kulay ang simpleng text caption sa Instagram Story ng anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at ikinonek ito sa umano’y pagkatsugi sa kanya bilang host ng Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Nagbahagi ang binata sa kanyang IG story ng isang mirror selfie na kuha habang nagwo-workout sa isang gym.
Mababasa sa caption nito, “[I] could care less.”
Maririnig sa background ang kantang Cold Shoulder ni Drake featuring Don Toliver.
Ang feeling ng mga netizen, ito ang bwelta ng kakambal ni Cassy Legaspi sa chikang hindi na siya kasama bilang isa sa mga host ng bagong edisyon ng PBB na mapapanood pa rin sa ABS-CBN at GMA 7.
In-announce kamakailan na mananatili pa ring host ng iconic reality show sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, at Alexa Ilacad para sa online.
Bukod dito, idinagdag bilang bagong host si Michael Sager.
Hindi lang si Mavy, maging si Kim Chiu ay hindi na rin host ng PBB. Kaya naman super-reak ang mga faney ni Chinita Princess.
