MA at PA
ni Rommel Placente
NAGBIGAY ng reaksiyon at saloobin si Candy Pangilinan tungkol sa isyu ng dating magdyowang Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
“Bilang may anak din naman akong special na neurodivergent, para siguro maayos ang lahat, bago siguro siya nagsalita sa maraming tao, eh, pinuntahan muna niya si Jennylyn at inayos na niya ito ng tahimik,” simulang pahayag ng komedyana.
Ang tinutukoy ni Candy ay si Quentin na na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at autism spectrum disorder (ASD). Ang anak nina Patrick at Jen na si Jazz ay may ganoon ding kondisyon.
Inamin ni Candy na may pagkakataong napag-uusapan din nila ni Jennylyn ang tungkol sa kondisyon ng kanilang mga anak.
Ngunit hindi naman nila napag-usapan ang tungkol kay Patrick.
“Wala kaming ganoong eksena ni Jen. Hindi kami umabot sa ganoon.”
Nauna rito, nagkomento ang kaibigan ni Candy na si Gelli de Belen hinggil sa isyu na agad namang niresbakan ni Dennis Trillo.
Talagang nakipagbardagulan si Dennis kay Gelli dahil naniniwala siyang obligasyon niya bilang tatay na protektahan ang kanyang pamilya.
