I-FLEX
ni Jun Nardo
ISANG Italian Maestro na si Alessio Benvenuti ang kasanib-puwersa ng Concert King na si Martin Nievera para sa Christmas single na Christmas in Manila.
May mga inayos na lyrics sa kanta si Martin para makasama ang ilang lugar sa Manila na may impact sa mga tao sa lugar na ‘yon. In-adjust din niya ang kanta upang kapag may show siya sa probinsiya at sa ibang bansa eh napapalitan niya ang Manila.
Si Alessio ang concert master ng Manila Symphony Orchestra na nag-a-accompany kay Martin sa stage. Humanga siya sa ganda ng boses ni Martin lalo ang emotional depth nito, kaya gumawa siya ng kanta na nababagay sa boses ng tinaguriang Concert King.
Naramdaman na ni Alessio ang Pasko sa ating bansa at hatid ng okasyon sa mga Pinoy at dedicated ang kanta sa kanyang minamahal sa Italy at sa ‘Pinas gaya ng mga anak na sina Leonardo at Angelo na ipinanganak sa Siquijor.
May Christmas songs na rin si Martin na laging tinutugtog tuwing Ber months at gusto niyang magkaroon ng bagong kanta na naririnig ng lahat tuwing sumasapit ang Ber months.
Para sa maestro, sa pagpayag ni Martin upang maging boses ng Christmas in Manila ay isang unexpected honor at dream come true!
Ang pinakamasayang okasyon kay Martin ay ang Pasko kahit na nga lagare siya sa iba’t ibang lugar para makasama ang mga anak at partner sa buhay!
