I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKARATING din sa Viva Hot Babe na si Maui Taylor ang hanash ng isang VMX Hot Babe tungkol sa grupo nila.
Eh palibhasa mature na at anak na ang kanyang priority, hindi na naghatid ng pahayag si Maui tungkol sa pangyayaring ito.
“Magkasama kami sa Viva kaya iwasan nating magbanggaan tayo ng personal. Sa akin lang, paabutin nila ang grupo nila ng 20 years sa showbiz at saka sila magsalita.
“At least, ang Viva Hot Babe, gusto pa rin ng tao after 20 years!” rason ni Maui sa solo mediacon niya ng VMX feature na Pantaxa Laiya Uncut na mapapanood ang mga bahagi ng movies na ginawa niya na hindi naipalabas.
Abangan din sa VMX ang My Hentai Girlfriend ni Ashley Lopez na iba namang putahe at mundo ayon sa director nitong si Bobby Bonifacio na masipag gumawa ng bagong kuwento na ikamamangha ng VMX viewers!
