Ara Mina

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SIYA ang ikawalong panauhin ng Talk Express host na si Toni Co, na kababalik lang mula sa South Korea kamakailan.

Mula 10:00 a.m., ang kamakailan din ay ginawaran ng parangal bilang Outstanding Talk Show host of the Year ng Gawad Dangal Filipino Awards, walong guests ang sunod-sunod na sumalang sa kanyang hot seat.

Si Ara Mina ang pinakahuli na 10:00 p.m. na dumating. Nauna na sina Atty. Vince Tańada, direk Jeffrey Hidalgo, Tiktoker Larcington, Ms. Divina Valencia, Andrea del Rosario, Buraot Queen, at si Ara nga.

Tuwing Sabado ng hapon ito napapanood. Where to Watch: KMD Studios YouTube channel, Facebook page, and Cignal TV. Directed by Kent Martin Dy.

After ng interbyuhan nila ni Toni nakausap pa rin namin ang aktres na masasabing Reyna ng mga Negosyo ngayon. Kaliwa’t kanan.

At kaya nga siya nahuli ng dating sa call time na 3:00 p.m. eh, dahil, “Marami pang iniutos at ipinagawa ang asawa ko. Kaya naghabol talaga ako ng oras.”

Ang isang business nila ay ang transport service na Peek-Me Up.

Si Ara naman na may mga beauty product din na ibinebenta sa merkado (Ara’s Secrets), may mga alahas naman sa Maddox ni Ms. Charo Cordial. 

“Pasalamat ako kay Ms. Charo. Kasi , may mga charm na rin siyang in-incorporate sa pieces na ginagawa niya for me. ‘Yun din kasi ang hilig ko.

“Babalik na ang Hazelberry natin! Pero excited ako sa pag-o-open ng pwede na rin naming ipa-franchise na Couch Potato.

“My daughter Mandy loves to eat french fries. So, alam niyo na ‘yun. Tapos naisip ko na gusto kong gumawa ng sarili kong version ng french fries para sa anak ko. Kaya we’ll have different flavors na wala sa iba.

“Nakarating pa ako ng China noong ma-research ko kung paano ito ginagawa. So now, d’yan ako busy. Kasi sa Baguio may lugar na ‘yung isang  place na ‘yun kung saan kakalat ang Couch Potato. Kaya ‘am excited.”

Nakikita naman sa pagiging slim ngayon ni Ara ang bunga ng pagiging abala niya sa lahat ng bagay na pagkaka-perahan. Negosyo.

Couch Potato in her own corner.

Her show sa Net25 ay babalik na rin. Ang Magandang Araw!