ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ISA si Andrew Gan sa tampok sa “Tadhana” ng GMA-7 na umere last Saturday. Ang co-stars niya rito ay sina Rhian Ramos, EA Guzman, at Meg Imperial.
Nabanggit sa amin ni Andrew na nag-enjoy siyang makatrabaho sina Rhian, EA, at Meg.
Aniya, “Oo naman tito, kasi unang-una sa lahat ay powerful cast iyong episode na ‘yun. Lahat ay mga award winning and lahat ay nagbida sa mga serye.”
Nami-miss niya bang magkaroon ulit ng regular TV show, gaya ng dati? Tugon ni Andrew, “Nakaka-miss din magkaroon ng regular show. Hopefully before matapos ang taon.
“More on sa vertical series po ako lately and may film kami na niluluto. Plus, may short film kami na nakapasok sa New York festival, na ang nagdirek ay apo ni Boss Vic del Rosario ng Viva, siya si Direk Coby Rosario.”
Pahabol niya, “Ang new vertical series ko po ay itong “Mother’s Vengeance” sa iWant TV, leading lady ko po rito si Kate Alejandrino and iyong “Kapatid, Kaagaw” under Viva. Kontrabida po ako rito nina Sarah Lahbati and Diego Loyzaga.”
Inusisa rin namin ang masipag na businessman, chef, at actor-producer hinggil sa kanilang short film na nakapasok sa Oniros Film Awards sa New York.
“Ang tema nito, love story, thriller… leading lady ko po si Phoebe Walker dito. It’s all about relationship po, na ipinakita iyong from mahal na mahal ninyo ang isa’t isa, hangang nauwi sa unti-unting naglaho iyong love.”
Bakit ganoon ang title nito at kumustang katrabaho si Phoebe?
“Iyong title na Meurdona, bale name ng character ni Phoebe iyon, hehehe. Ang lakas maka-international ‘yung atake… Itong film namin ni Phoebe, pure English po. Na-challenge ako and dapat coño, Hahaha!
“Si Phoebe ay maraming beses ko nang naka-work din. Sa series, sa film… Mabait and totoong tao siya at higit sa lahat, mahusay na aktres.”
Nang inalok sa kanila ang project, alam na raw nila na isasali ito sa filmfest sa abroad.
“Opo, sinabi po sa amin ng mga bosses sa Viva. Kaya sobrang grateful na sa amin naipagkatiwala iyong role,” masayang sambit pa ni Andrew.
Ano ang na feel niya nang nalamang finalist sa New York festival iyong short film nila ni Phoebe?
“Malaking pasasalamat, kasi sa rami ng artista ng Viva, like thousands if hindi po ako nagkakamali, kami ang napili para maging part ng project na ito.
“Kaya thankful ako specially kina Ms. Ninz (De Castro), Direk Roni (Benaid, na co-director dito) and Direk Coby. And happy and proud po ako sa buong team nito,” esplika pa ni Andrew.
