SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAKAMAMANGHA tiyak ang magaganap sa Ice Sings, An Intimate Concert Series: Musical Hits sa November 6 at 7 sa Music Museum dahil ang award-winning Filipino-American musical director, keyboardist, at producer na si Troy Laureta ang makakasama ni Ice Seguerra sa konsiyertong ito.
Bukod sa pagiging tanyag na musical director, kilala rin si Troy bilang keyboardist at producer ng ilang world-renowned artists tulad nina Ariana Grande, Deborah Cox, Melanie Fiona, Cheesa, Tommy Page, at Iggy Azalea. Naging mentor din niya ang Canadian musician at composer na si David Foster na naging impluwensiya niya sa kanyang iba’t ibang musical arrangement at production.
Nakatrabaho rin ni Troy si Justin Bieber at nakapag-record kay Nicole Scherzinger.
Magiging personal naman ang magiging atake ni Troy sa Ice Sings dahil makikipagtulungan siya kay Ice para makahanap ng bagong atake sa mga pamilyar na awitin mula sa musical theater at pelikula, habang pinananatili ang boses at paraan ng pagkukuwento na nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging malapit sa isang pagtatanghal.
Hindi ito ang unang collab nina Ice at Troy ayon na rin kay Liza Dino-Seguerra, Creative Director.
Aniya, unang nag-collab sina Ice at Troy sa Original Pilipino Music (OPM) album na Harana: The Sound of Us na ini-release ng ABS-CBN Star Music noong Agosto 2025 at isinumitesa kategoryang Best Global Music Album category para sa 2026 GRAMMY Awards.
“Nagkaroon sila ng organic na collab. Kumanta si Ice sa album ni Troy na ‘Harana.’
“Troy wants na magkaroon sila ni Ice ng some collaboration, and he had Ice in mind and then nag-reach out ako sa kanya. Then nagsabi siya na, ‘Liz, I’m also interested actually going in the Philippines and to probably collab to some artists.
“Matagal na namin (Ice) itong iniisip and it fell into place because of him (Troy),” pagbabahagi ni Liza.
Sinabi rin ni Liza na bago ang mapapanood sa show ni Ice dahil hindi lang ito ang makikita. Nagpahayag din ito ng sobrang pagkabilib kay Troy.
“He has his own show din.
“Totoo, ang galing-galing niya!” sabi pa ng misis ni Ice.
Samantala, aminado si Ice na mahilig siya sa mga musical song na makikita sa konsiyerto niya ngayon.
“People know me with a guitar, singing songs that feel very personal,” aniya. “But I’ve loved musicals since I was a kid. This show lets me bring that side of myself back—and find out what these songs mean to me now.”
Sinabi naman ni Liza na ang pagsasama nina Ice at Troy ay higit pa sa pagpaparinig o pagbibigay ng mga pamilyar na awitin ng bagong tunog.
“Ice knows how to make a lyric feel like a conversation with the person sitting in front of him.
“Troy can help us open up the musical possibilities around that. Even when the band grows, we want you to hear the thought behind every word,” sabi pa ng creator, producer, at creative director ng Ice Sings.
Asahang kakantahin ni Ice sa concert ang On My Own mula sa Les Misérables; I Don’t Know How to Love Him mula sa Jesus Christ Superstar; For Good mula sa Wicked; at Friend Like Me mula sa Aladdin.
Minsan nang gumanap si Ice bilang Genie sa entablado. Ang muling pagbisita ni Ice sa mundo ng musikal ay nag-aalok ng isang sulyap sa mapaglarong bahagi kasama ang mga kantang kilala sa kanya ng mga manonood para sa pagbibigay-kahulugan ng may lambing.
Ang ICE SINGS! An Intimate Concert Series: Musical Hits ay magaganap sa November 6 at 7, 2026, 8:00 p.m. sa Music Museum. Ito ay prodyus ng Fire & Ice Live at ang tickets ay mabibili sa TicketWorld: https://bit.ly/IceSingsAnIntimateConcert; Fire & Ice Ticket Office: [email protected] (0917 877 1758).
Production and partners Presented by: Fire & Ice LIVE Official Accommodations Partner: Citadines Millennium Ortigas Manila Media Partners: WhenInManila.com and Music Manila Special Thanks: Nature’s Spring.
