MATABIL
ni John Fontanilla
TAGOS sa puso ang ipinost na mensahe ni Krystel Go sa kanyang manager at itinuturing na pangalawang ina na si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios na siyang nag-produce ng ImPerfect.
Post ni Krystel. “Gusto kong maging ibon… malaking ibon! ”
Kasi gusto kong matutong lumipad, mangarap, at abutin ang mga bagay na dati akala ko hindi ko kayang gawin.
Thank you po, Nay (Sylvia Sanchez) for opening the door for people like me through I’MPerfect.
Dahil sa opportunity na binigay ninyo, mas marami pang pangarap ang nagkaroon ng pakpak.
Salamat po sa paniniwala sa amin.
Thank you, Nay! #IMPerfect #ThankYouNaySylvia
#DreamsHaveWings #InclusiveCinema #BelieveInYourDreams ”
Sinagot naman ito ni Sylvia ng, “Nakakaiyak naman to my Jessica, Krystel Go. Galing mo talaga magpaiyak!!
Walang anuman nak!
Ag sarap sa puso tuwing naririnig ko yang pasasalamat mo. Ako rin nak sobra sobra ang pasasalamat ko, kasi isa ako sa mg ginamit na instrumento ng DIYOS para makalipad kayo ng tuluyan. Maabot lahat ng pangarapa t mga pinapangarap niyo pa. At maraming, maraming salamat sa DIYOS dahil sa Imperfect din nabiyayaan ako ng mga Angehl…
Kayo (heart emoji)
Love you Krystel!!! At love you all my Nathan Angels (kiss emoji)”
Sa susunod na taon ay ipalalabas naman sa ibang bansa ang documentary film ng I’mPerfect.
Magkakaroon din ng TV series at si Krystel kasama ang iba pang cast ng I’mPerfect.
