MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY na naidaos ang kauna-unahang I Conique Prestige Awards at launching ng I Conique Magazine na proyekto ng B&B House of Talents and Events Management nina Cecille Bravo at Mr. Raoul Barbosa.
Ilan sa mga personalidad na nabigyan ng parangal sina Diamond Star Maricel Soriano, Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Boots Anson-Roa, Ara Mina, Bembol Roco, Maestro Vehnee Saturno, Arnold Vigaftia, KitKat, Marc Logan, Sunshine Cruz, Raymond Bagatsing, Daniel Fernando, Cory Quirino, Atty. Persida Acosta, Angelique Lazo, Oskar Peralta, Asia Rose Simpson, Poppert Bernadas, Raymond Villanueva, Dulce, Korina Sanchez, Kuh Ledesma.
At sina Janah Zaplan, Jopper Ril, Ima Castro, Celebrity Designer Jovan Dela Cruz, Nin̈o Angeles and Raymond Saul, Joyce Pen̈as Pilarsky, Lhar Santiago, Geleen Eugenio, Darius Razon, Jun Miguel, Romm Burlat, Richard Hin̈ola, Jeffrey Dizon, Joee Guilas, Angelica Jones, Sephy Francisco, Jimmy Santos, Miles Obra, Charo Laude, Maru Go, Sarah Javier, Bernie and Vivian Caramba, Wilbert Tolentino, Jenny Mercado-Ortega, Brillante Mendoza atbp..
Ayon kay Bravo, “Ang I-Conique ay isang kahanga-hangang konsepto dahil hindi lamang ito tungkol sa kagandahan at glamour.
“Nagbibigay din ito ng pagkakataon sa mga personalidad na ibahagi ang kanilang mga kuwento, talento at mga tagumpay.”
Kasabay din ng pagbibigay ng awards ang unveiling at grand launch ng unang isyu ng magazine, na tampok sa cover si Mrs. Universe Philippines 2026 Fatima Figueroa Alvarez.
Layunin ng magazine na ipakita ang mga kuwento ng tagumpay, inspirasyon, at kontribusyon ng mga Filipino mula sa iba’t ibang industriya, kabilang ang entertainment, media, fashion at public service.
“Umaasa ako na marami itong mabibigyang-inspirasyon, hindi lamang natin tinitingnan kung ano ang nakikita sa harap ng kamera.
“Kundi pati na rin ang kuwento sa likod ng bawat personalidad at ang kanilang mga naging kontribusyon sa industriya,” sabi pa ni Madam Cecille.
