Kim at Mayumi ng VMX gustong mag-ala Osang at Angeli

Kim Yashii Rosanna Roces Mayumi De Vera Angeli Khang

MATABIL
ni John Fontanilla

GUSTONG sundan ang yapak ni Rosanna Roces ng VMX star na si Kim Yashii  na mula sa pagiging sikat na sexy star ay itinuturing nang isa sa mahusay na aktres.

Habang ang yapak ni Angeli Khang ang gustong sundan naman ni Mayumi De Vera na mula sa pagiging  VMX star ay nakape-penetrate na rin sa mainstream.

Ayon nga kay Kim, “Si Rosanna Roces, naririnig ko po siya kada kunwari po sinabi ko na VMX ako, lalo na ‘yung first na  family ko ‘yung mga nakaiintindi na side.

” Sinasabi nila na  ‘Ah diyan din nagsimula si Rosanna Roces tingnan mo naman sila ngayon ganito, ganyan,  talagang nag-i-stick sila sa sinabi ko na stepping stone ko lang siya.

“Ayun siya ‘yung lagi kong naririnig , Rosanna  Roces, Sunshine Cruz sila po siguro ‘yung gusto ko maging in the future.”

Habang ayon naman kay Mayumi, “Si Angeli Khang, since rito po siya nagsimula, nag-start po sa sexy po talaga, naging stepping stone po tapos nakahanap siya ng ibang career, ibang  platform.

“Gusto ko rin po siyang iano (sabihin) sa sarili ko na hindi naman habambuhay na sexy star ako.

“Kahit wala naman pong mali being part of Vivamax gusto ko rin po makagawa ng ibang genre.”

Anong mga first sa buhay nina Mayumi at Kim ang hindi nila malilimutan?

Ayun kay Kim, “Ako po ‘yung first movie ko, hindi ko makalilimutan kasi, first time ko maghubad sa harap ng kamera na may ibang mga tao.

“So ‘yung experience ko noon halo- halo po ‘yung emotions ko, nahihiya siyempre, first time.

“Nahihiya pero na build ko na rin ‘yung confidence. By then kasi sobrang professional ‘yung mga prod, lahat ng tao sa eksena so, ‘yun po ‘yung unang pasok na ‘di ko makakalimutan.”

Para naman kay Mayumi, “‘Yung sa akin po, ‘yung sa first movie na lang po kasama ko po si Gio roon.

“Alam nila kung gaano ako kinakabahan noon. Of course for me first time ko pong haharap sa kamera na nakikipag-lovescene, like kinakabahan talaga ako.

“Pero after po niyon, okey na po, naging okey na po na and wala na pong kaba.”

Sina Kim at Mayumi ang host ng VMX movie na Unang Pasok na idinirehe ni Ray Gibraltar at mapapanod na sa VMX.